GiyaPay Blog
Follow the GiyaPay blog for product announcements, feature updates, user stories, and technical posts about online payments.
Follow the GiyaPay blog for product announcements, feature updates, user stories, and technical posts about online payments.
Alam mo ba kung bakit mahalaga ang wika?
Ang wika ay napakahalaga para sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat pangkat ng tao.
Pamamagitan ng wika, nagkakaroon tayo ng sariling sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at gayundin sa iba pang mga bagay na may kinalaman sa istilo ng pamumuhay ng mga tao.
Dahil sa i-isang wika, mas naiintindihan natin ang bawat isa. Halimbawa, kapag mapupunta ka sa isang ahensya ng gobyerno, at magpo-proseso ng kahit anong dokumento, mas mapapadali ang pagsasaayos ng iyong mga papeles kung magkaparehong wika ang gamit mo at ng empleyado ng gobyerno.
Ngunit sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na ng napakaraming pagbabagong teknolohiya, kasabay nito ang pagsabay ng ating wika sa digital na mundo.
Kaya’t kaakibat din nito ang paglipana ng katanungang ano nga ba ang epekto nito sa Wikang Filipino?
Dahil sa Digitalization, yumabong ang ibat-ibang paraan ng komunikasyon. Tulad ng text messaging at ilang mga social media platforms ay hindi maikakaila na marami sa mga sinaunang salita natin ang naababaon na sa limot.
Sa katunayan, isinagawang eksperimento ng GMA News sa Pandacan, Maynila, ilang residente ang sinubukan kung alam pa nila ang kahulugan ng mga salitang papagayo (saranggola na hugis ibon), alimpuyok (amoy o singaw ng kanin na nasusunog), salakat (pag-krus ng mga binti), anlowage (tao na gumagawa ng mga estruktura o kasangkapan na ginamitan ng kawayan o tabla).
Sa mga natanong, isang 74-anyos na si Mang Ruben Basilo lamang ang nakasagot ng tama.
Ayon kay Mang Ruben, bagaman ginagamit pa ang nabanggit na mga salita, marami na rin umano ang hindi na alam ang kahulugan ng mga ito, lalo na ang mga kabataan.
Ngunit dahil sa pagbabago rin ng kaugalian ng maraming Filipino sa paggamit ng ating pambansang salita sa mga makabagong teknolohiyang ito ay nagdudulot ito ng kalituhan sa mga batang henerasyon sa ngayon gaya na lamang ng pagpapaiksi (shortcut) ng mga baybayin ng mga salita.
Ang paghahalo-halo ng iba’t-ibang mga katutubong dayalekto sa wikang Filipino; at maging ng palagiang paggamit ng tinatawag na mga salitang balbal kasabay ng paglimot sa tunay o wastong pagbaybay at kahulugan nito.
Kaya naman ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang pambansa…
Upang mas lalo pang mahikayat ang ating mga kapwa pilipino na mahalin at gamitin ang ating sariling wika.
Opisyal na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino( KWF) ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”, makiisa tayo sa inihayag ng kasalukuyang Tagapangulo ng KWF na si Arthur P. Casanova.
Manaliksik, paunlarin, itaguyod, at palaganapin ang wikang pambansang Filipino kasabay nang paglinang ng mga katutubong wika ng Pilipinas.
Ang Digitalization ay isang patunay ng pagunlad ng isang bansa, ngunit hindi natin dapat kalimutan ang ating wikang Filipino na sumasalamin ng ating sariling kultura.
Ang GiyaPay ay nakikiisa sa pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa GiyaPay, bisitahin ang giyapay.com.